May nagtetext sa 'kin na hindi ko kilala. Well, maybe kilala ko siya kasi naka-save yung number nya sa sim ko. Pero hindi ko siya tinetext. Kaya't nagulat ako nang isang araw ay bigla syang nagtext sa kin.
"Hu u?"
Hindi ko pinansin. Masyado akong maraming ginagawa para mamansin ng mga ganoon, lalo pa't hindi ko kilala. Pero ang kinarindi ko, dalawampung beses nya sinend ang parehong message. Ito ang nireply ko:
"Xcuse me. Dnt flood my inbox. I dnt knw hu u are either."
Kung may nagbabasa man ng entry na 'to, basahin mo ulit yung nireply ko. Subukan mong hanapan ng mali. Wala di ba? O tuloy na...
Naghintay ako ng sagot niya. At hindi ako nabigo.
"wah, u spoke broken english cn u mke it ryt, hw pathetic r u,.wel u dnt knwme bt uve send me dt s2pid txt of urs,hmmp,manyakz u b?"
Wala akong inedit dyan. Ganyan na ganyan ang nireply sa 'kin. Basahin mo ulit, tapos ikumpara mo sa nireply ko sa kanya. Wag ka tumawa, pero pwede ka marindi kagaya ko. Mahigit dalawampung beses niya ulit pinadala yan. Sa totoo lang, at hindi sa pagmamayabang, nainsulto ako sa sinabi niya. Siguro hindi ganun ang mararamdaman ko kung perpektong Inglesero ang nagsabi sa 'kin. Pero hindi e, at yun ang kinabuwisit ko.
"Excuse me, maybe it's u who's needing a grammar check. How dare you say that to an english major graduate and a speech professor. I've no time for this."
Ayan ang nireply ko. Hindi totoo yung "english major graduate" at "speech professor". Sinabi ko lang yun at baka sakaling mahiya siya at mapagtanto niya ang kanyang mga pagkakamali. At para tigilan na niya ako. Pero nagkamali ako. Humirit pa ang putangina! Ibinalik ko sa kanya ang kanyang mensahe ng may karugtong:
"wah, u spoke broken english cn u mke it ryt, hw pathetic r u,.wel u dnt knwme bt uve send me dt s2pid txt of urs,hmmp,manyakz u b? -check ur sentence constructions please. and dont flood my inbox."
Hindi ko na maalala yung ibang sinend niya at mga nireply ko. Pero ayaw niya magpatalo. Putangina. Naubusan pa ko ng load dahil hindi ko alam na naka-Touch Mobile pala siya at ako'y Globe at hindi sakop ng Unlitxt ang TM. Kaya nagpaload ako. Nagreply pa siya habang hinihintay ko ang load ko:
"anung miss,anu aq bkla?cguro tibo ka,d tau talo,wel suko ka na kz ang totoo d ka marunong mag englis,booh"
Inuulit ko, wala akong inedit sa mga salitang yan. Ganyan na ganyan ang pagkaka-text sa 'kin.
At tuluyan na 'kong narindi. Umabot pa sa puntong tatawagan ko na siya at magsasalita sa wikang Ingles kumpleto pati ang accent ng New Yorkers at gagamit ng high-falutin' words para maubusan siya ng dugo sa sobrang nosebleed. Pero pinigilan ko ang sarili ko at nireplyan siya ng ganito:
"Miss, kung hindi mo kayang magsalita sa wikang ingles managalog ka na lang. At hindi mo ba maintindihan ang ibig sabihin ng 'don't flood my inbox'? Pwede wag ka mangistorbo. Kung wala kang magawa, pwes ako marami. Kaya please, cut it out."
At hindi ko na nireplyan. Nabuwisit ako dahil napakarami niya magsend ng parehong mensahe lang naman. Tiniyaga ko na lang na pagbuburahin ang mga yon at hindi na pinatulan pa. Kung bababa ako sa lebel ng mga Bisayang-Maynila na walang magawa sa cellphone at load nila, itutulad ko lang ang sarili ko sa kanila. Nasaan ngayon dun ang pinag-aralan ko? Hindi ako sa nangungutya pero binibigyan nila ako ng dahilan para kutyain sila. Nag-text pa nga ng:
"hoi,u slep oh dead na"
O puta ka! Ewan ko kung naiintindihan niya ang sarili niya or kung narerealize niya na kahiya-hiya siya. Or baka wala na siyang dapat ikahiya dahil, ewan ko, kalunos-lunos na siguro ang kalagayan ng pagkatao niya.
Punyeta!
Isa lang talaga ang masasabi ko:
THE NERVE!
Currently listening to: ingay, ingay, ingay
Currently feeling: infuriated